jueves, julio 28, 2005

hinayupak

punyetang hinayupak na income tax na 'yan! ang laki. minsan naiisip ko bakit ako nagpapakandahirap sa pagtatrabaho, e, halos 1/3 naman ng dapat kinikita ko e napupunta sa mga di ko maintindihang pinagkaka-abalahan ng gobyerno. e, pakialam ko ba sa mga squatters? bakit? tulad ko ba nagbabayad sila ng buwis?

ewan ko ba. talaga bang wala na akong choice kundi ang manatili sa pinas at kumayod? napromote nga sa trabaho, anak ng tinapa, ang tinaas sa sahod pambayad lang sa gobyerno at sa lahat ng pabigat sa bansang ito.

sana kasama sa free will ang pagpili ng bayang kapapanganakan. hay, asa pa.

ano naman kaya kase ang dahilan kung bakit sa pinas ako pinanganak. eh kung naging european lang ako, sana kasama na ako sa green peace o kaya kung anumang kachuvahang without borders. dalampu't limang taong gulang na ako, wala pa akong magandang naidudulot sa paligid ko. yun nga, kung hindi bibilangin ang paggraduate ko bilang iskolar ng bayan sa oras para naman hindi na maabala ang mga nagbabayad ng buwis at ang palagiang paggastos ko. oo nga pala, sabi ng propesor ko sa industrial relations, hindi nakakatulong ang sobrang consumer spending sa ekonomiya natin. kung meron ngang maitatawag na ekonomiya ang kawawang bansang ito. ayun, wala rin talaga.

ayoko rin naman mangibang-bansa. para sa akin, ang mga taong maayos naman ang kalagayan dito pero pinipili pa ring umalis ay nakakahiya. ipagsiksikan daw ba ang mga sarili sa mga bansang ubod nga ng yaman, ayaw naman sa kanila. kung sa bagay, nakakabawas din sila sa unemployment rate natin. o sya, hala sige, magsilayas kayo!

pero inaasam-asam ko talaga, mangibang bansa na ang boss ko. putik! sa kabobohan niya, walang aasenso sa amin. anak ng putang ina! sayang ang galing ko dito.

sana naging direktor na lang ako ng mga patalastas. ganun din naman pala. puro kabalbalan din ang PR. buti pa mga direktor mas artistic ang expression ng bullshit. at pwede pang umiwas sa tax!

maka-uwi na nga. baka sabihin pang masipag ako magtrabaho.

14 comentarios:

Blogger Ingrid C. ha dicho...

jax> let me translate some for you.

"punyetang hinayupak na income tax na 'yan! ang laki. minsan naiisip ko bakit ako nagpapakandahirap sa pagtatrabaho, e, halos 1/3 naman ng dapat kinikita ko e napupunta sa mga di ko maintindihang pinagkaka-abalahan ng gobyerno,"

means...

motherfucking income tax! it's too much!! i sometimes wonder why i bother to work, when almost 1/3 of what i earn goes to some government project that doesn't make sense to me.

now you can comment, jax :)

8:46 p. m.  
Blogger bismuth ha dicho...

bravo il duce! we can make this a business.

hi jax!

9:50 p. m.  
Blogger {illyria} ha dicho...

punyetang buhay nga 'to. tinignan ko yung payslip ko. natuwa ako nung una kasi may bobong quotation na nakalagay. tapos nakita ko yung binawas sa suweldo ko--ang laki, kasinglaki ng tsina.

wala na akong ibang ginawa dito kundi magtrabaho. sumalo sa trabaho. sumalo sa mga bobo na nagkukunwaring magtrabaho. sumalo sa boss ko na pupuntang amerika. kailan ba ako mangingibang bansa? ha? ha? dapat talaga sinilang na lang ako sa, sige, europa. kahit kasama ko yung mga mabubuhok at di naliligo, meron naman akong pera. bahay. magagandang gamit. negosyo. kotse. at drayber. pero sana ganito pa rin hitsura ko. patok e.

putangina, kailangan natin lumabas. okay ba sa lunes? kaya lang wala pa rin akong pera.

5:24 p. m.  
Blogger bismuth ha dicho...

meron akong ka-grupo. sabi ng boss ko sa kaniya, "Jo, dalin natin kotse mo kasi puno na yung van." ang sagot ng adorable na jo, "wala akong kotse eh. Pajero meron." punyeta.

8:07 p. m.  
Blogger Ingrid C. ha dicho...

isaksak nila sa baga nila ang mga putang inang Pajerong yan. kailan ko kaya mapapalitan yung Honda ko? nagmimistulang pulang kabute pag natabi sa Lincoln Towncar.

9:02 p. m.  
Blogger bismuth ha dicho...

darating din ang panahon, punyeta, yayaman din tayo. si trans makakabili ng sarili niyang pulo, ikaw mussolini, lahat ng Hermes na gusto mo at yung karman ghia na pira-piraso ay o-orderin mo sa europe at bubuu-in mo. at ako, ha! ako, isang beach resort. puti at mala-asukal ang buhangin. scuba diving ako wanto-sawa. maisusulat ko na rin ang sarili kong obra. punyeta talaga.

10:05 p. m.  
Blogger ennui ha dicho...

Do what the Fil-Chinese businessmen do -- evade tax!!! hehehe Unfortunately, I'm not yet part of that population. Not even from a population sample of 1 : 82 million.

3:47 a. m.  
Blogger {illyria} ha dicho...

basta. puntangina.

12:27 p. m.  
Blogger bismuth ha dicho...

ennui, dissing your own kind?
trans, oo nga. basta putang ina.
jax, it's hard not to rant. we might implode, then where will you find other pretty islanders?

4:22 p. m.  
Blogger {illyria} ha dicho...

this is such a fucking amazing post.

9:43 a. m.  
Blogger slim whale ha dicho...

e di nag-take ako ng class na karamihan europeans ang classmates ko. ako lang ang filipino. tapos napag-usapan bigla ang charity and benevolence at isa-isang nagsalita ang mga puta tungkol sa mga dukhang bayan na binibigyan nila ng limos.

syempre, lumubog na lang ako sa upuan ko at nagpanggap na kulangot sa pader. anong sasabihin ko? na ako ang isa sa mga dukhang binibigyan nila ng konting barya? tang-ina nakakapang-lumo, parang gusto kong i-flush ang sarili ko sa inidoro na parang taeng lusaw.

nag-isip ako, sana, ipinanganak na lang ako doon sa europa. pero, hindi rin, di ko masikmura ang amoy ng hininga ng mga putangnang yun.

11:11 a. m.  
Blogger bismuth ha dicho...

slim: nagdrama ka sana't sinabi mong, hindi mo kelangan ang tulong ng mga banyagang nagpahamak sa mga bansang kuwari'y tinutulungan nia. punyeta, hindi ba't dahil nanakop at nang-alila sila kaya sila yumaman tapos ngayon, nangongonsensya sila to stop poverty? ibalik nila ang mga ginto, kahoy, likas na yaman at dignidad at pagkakilanlan ng mga bansang inapi nila.

ha! maging makabayan daw ba?

6:31 p. m.  
Blogger slim whale ha dicho...

hay naku, tama ka. sino nga ba talaga nagpayaman sa kanila? e tayo din naman? tapos sila ngayn ang magbibigay ng limos. hipokirito ng mga putang ina

12:53 p. m.  
Blogger Roberto Iza Valdés ha dicho...

Este comentario ha sido eliminado por un administrador del blog.

6:11 a. m.  

Publicar un comentario

Suscribirse a Enviar comentarios [Atom]

<< Inicio